Highlights
- Ayon sa Australian Bureau of Statistics, 1 sa 20 katao ang nakaranas ng heart at vascular disease pati na stroke sa taong 2022 at ito ay karaniwang maranasan ng mga lalaki kumpara sa babae.
- Payo ng General Practitioner na si Earl Pantillano na mahalaga ang pag-monitor ng blood pressure at cholesterol lalo na kapag may family history o tumungtong sa edad na 40 years old.
- Ayon sa Stroke Foundation Australia, mahigit 80 porsyento ng mga stroke ay maiiwasan sana.
Ayon kay Dr Earl Pantillano, bulnerable sa stroke ang mga may secondary condition tulad ng mataas na blood pressure, diabetes, family history ng stroke, mga mabigat ang timbang at mga labis manigarilyo at uminom.
Dagdag niya na mahalaga ang pag-monitor ng blood pressure at cholesterol lalo na kapag may family history o tumungtong sa edad na 40 years old.
Sa tala ng Australian Bureau of Statistics, 1 sa 20 katao ang nakaranas ng heart at vascular disease pati na stroke sa taong 2022 at ito ay karaniwang maranasan ng mga lalaki kumpara sa babae.
Ayon sa Stroke Foundation Australia, mahigit 80 porsyento ng mga stroke ay maiiwasan sana. Pinakamabisang paraan upang maiwasan ito ay sa pamamagitan ng healthy diet, pag-eehersisyo at pag-iwas manigarilyo o uminom ng labis na alak.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.