Ano-anong mga lunas sa arthritis ngayong panahon ng taglamig?

arthritis

Source: Getty Images/Adam Gault/SPL

Sa ginawang pag-aaral ng Osteopathy Australia, lumabas din na 2 sa 3 may sakit ay hindi nagpapatingin sa mga eksperto at nakadepende lang din sa gamot o pain reliever, nagtitiis din sila at hindi nagpapatingin sa mga doktor. Ngayong panahon ng taglamig, marami ang nakakaranas ng pananakit ng kasukasuan at apektado ang kanilang pang-araw-araw na buhay.


Isa na dito ang  mekaniko mula sa  Melbourne na si Leopoldo. Matapos ma-diagnose na may arthritis o pananakit ng kasukasuan apektado na ang kanyang paggalaw lalong-lalo na ang kanyang trabaho. Hindi na rin sila nakapagbyahe kahit pa noong wala pa ang pandemya sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya dahil sa iniindang sakit sa kasukasuan. 


 Higlights

  • Sa pag-aaral na ginawa ng Osteopathy Australia, 3.37 milyong  mga Australian sa taong 2020  ay tinitis ang sakit bago magpadoktor 
  • Maraming Australian ang  naka-depende sa  pain relievers
  • Pagkain at lifestyle ang mga pangunahing  sanhi ng  sakit sa kasukasuan o arthritis

"Talagang malaking abala, sobrang sakit. Di ka makagalaw ng husto at malaking abala sa trabaho," kwento ni Leopoldo.

Aniya ilang beses na syang nagpa-doktor pero pabalik-balik ang kanyang nararamdaman. Pain reliever lang din naman ang katapat kaya di siya nagpapadoktor. Bumibili lang sya ng gamot sa mga botika at supermarket.

"Umiinom lang ako ng gamot. Hindi na ako nagpapadoktor kasi ganun lang din naman,"  dagdad ni Leopoldo.
Ayon sa Osteopathy Austalia, 70 percent ng mga Australians ngayon ay nasa tinatawag na sedentary ang lifestyle o kulang sa exercise, hindi naglalakad.
Dahil dito na-alarma ang mga eksperto dahil karamihan din sa mga ito ay talagang nakadepende lang sa gamot  para maitawid ang buong araw, di na halos kumikilos at palagi na lang nakaupo.

Imbis na maglakad at kumilos para gumaan ang pakiramdam at maibsan ang nararamdamang sakit.

Pag-inom ng gamot o pain reliever, makakabuti ba?

pain reliever, arthritis
Source: Pexels
Sabi ng presidente ng Osteopathy Australia na si Michelle Funder, kailangang agad komunsulta sa mga health professional para makita ang dahilan ng nararamdamang sakit. Huwag iyong nakikinig ka lang sa mg kuro-kuro na nakapaligid sa iyo.

"Kailangan maghanap ng health professional na komportable kayo para malaman kung ano ang dahilan ng sakit na nararamdaman, at kung paano ito malulunasan, " sabi ni Funder.

May abiso dina sila na huwag uminom ng gamot na di nireseta  ng doktor dahil baka maging sanhi pa ito ng mas malalang problema. 

"Hindi namin irerekomenda na agad uminom ng gamot. Kailangan magpakonsulta sa health practitioner kasi ang gamot na hindi angkop sa iyo ay nakakasira ng kidney at liver kaya huwag basta-basta lang bumili ng pain reliever sa mga supermarket, kailangan ang reseta ng doktor," dagdag pa ni Funder.

Gaya ni Leopoldo, dapat ding pumunta sa mga osteopath para malaman ang  tunay na estado ng kanyang katawan. Kasama din sa kanilang pwedeng ituro ang tamang ehersisyo at  lifestyle para magiging magaan ang pakiramdam nito hanggang sa pwede ng bumalik sa normal ang kanyang kondisyon.

Alternatibong paraan

Lorelie Luna
Pastes made from herbs, plants and oils are vital in the practice of hilot. Source: Lorelie Luna
Malaking kaginhawaan din ang tulong ng alternative medicine gaya ng bibibigay na serbisyo ni Lorelie Luna sa Luna Healing Academy , na isang hilot, energy healing at neuro-linguistic programming practitioner, hypnotherapist at isang registered massage therapist.

Ayon kay Ms Luna, ang arthritis ay ang pamamaga ng joints o kasukasuan. Minsan dahilan nito ay ang sobrang paggamit  o overused ng parte ng katawan gaya ng sa kamay at paa. May mga pagkain din na dapat iwasan gaya ng processed food.

"Sumasakit ang ating mga joints dahil sa over-used ito. At kapag palagi kang nakatayo, sasakit yong tuhod at paa mo," sabi ni Luna.

Pero alam nyo ba na  may magagawang kaginhawaan  sa arthritis ang hilot? Dapat ay ung totoong kaalaman dahil maselan ang paghihilot sa may arthritis.
hilot
Source: Pexels
"Hinihilot yan ng dahan-dahan mula doon sa pinanggagalingan ng sakit, hanggang sa mawala ang sakit," dagdag pa nito.

Mali din na huwag kumilos kapag masakit ang paa o kamay ng dahil sa arthritis. Sabi ni Luna, kailangan gumalaw dahil kapag gumalaw ang isang parte ng katawan, nagpapalabas ito ng init sa katawan. Maaring gawin ang simple na body stretching at paglalakad.
stretching, exercise
Source: Photo by Monstera from Pexels
Nakakatulong din ang hot and cold compress. Kung malamig  at humihigpit ang laman sa katawan kailangan ang hot compress. Gamitin ang cold compress naman kung sakaling sumasakit ang kasukasuan sa kamay dahil sa palagi mo itong ginagamito overused.

Dapat din tandaan hindi direkta ang paglalagay  ng yelo, kailangan ibalot ito ng tuwalya at dapat hindi din matagal ang pagdadampi ng yelo sa lugar kung saan masakit ang kasukasuan.

Payo ni Luna pinaka-importante na baguhin ang  lifestyle ng isang tao. Gaya ng pagkain ng masustansyang pagkain, pag-inom ng maligamgam na tubig lalo na ngayong tag-lamig. At ugaliing mag ehersisyo o kaya ay stretching. Malaking dagok sa isang tao kung may dinaramdam, kaya kung maiiwasan dapat  tama ang kinakain, i-balanse din ang pang-araw araw na pamumuhay, para makaiwas sa sakit.

BASAHIN/PAKINGGAN DIN


 

 

 

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand