Ayon sa alamat, ang Sining Panlaban ng Pilipinas o Filipino martial arts ay ginagamit na sa katimugang bahagi ng bansa bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Mactan noong 1521.
Sumama ang Italyanong diarist na si Antonio Pigafetta kay Magellan sa paglalakbay na ito at, ayon sa kanyang kasulatan ukol sa "Battle of Mactan, “They replied that if we had lances they had lances of bamboo and stakes hardened with fire.”
Ang Kali, Arnis o Eskrima, ay isang uri ng Filipino martial arts na kilala sa buong mundo at ginagamit ng mga bangyagang Special Forces sa kanilang training.
Itong nakalipas na 30 taon, iniikot ni Grandmaster Andy Elliott ang buong mundo upang ibahagi ang kanyang kaalaman ukol sa Arnis.
Ang yumaong Great Grandmaster Ernesto Presas Sr. ang nagpromote sa kanya bilang Grandmaster.