Key Points
- Tinatayang 62 % ng mga Australyano ang nakikilahok sa iba't ibang klase ng musika.
- Isa sa maraming benepisyo ng musika ang pakinabang nito sa kalusugan ng isip, ayon sa isang pag-aaral na nakalathala sa Journal of the American Medical Association Network Open.
- Nadagdagan ang tiwala sa sarili ni Beverlin Ybanez nang simulan nito ang musika.
Isang paraan ang pagkanta para ipahayag ang tunay na nararamdaman ng isang tao tulad ng singer at nurse mula Perth, Western Australia na si Beverlin Ybanez.
Sa kabuuan, 62 porsyento ng mga Australia ang nakikilahok sa iba't ibang klase ng musika, ayon sa Music Council of Australia.
Labing-limang porsyento ng mga Australyano ay kabilang sa paggawa mismo ng musika, maaaring sila'y tumutugtog, kumakanta o gumagawa ng komposisyon.
Nasa 57 % naman ang madalas ay nakikinig sa musika.