Nagtipon ang mahigit sa isandaan at limampung mga nagpoprotesta sa syudad ng Cologne sa Alemanya upang tuligsain ang ilang hanay ng mga seksuwal na pang-aabuso sa mga kababaihan sa syudad kaugnay ng mga pagdiriwang sa bisperas ng Bagong taon. Larawan: Pagpoprotesta ng mga Kababaihan sa Cologne (AAP)
Nasindak ang mga Aleman matapos na maiulat ang halos siyamnapung kababaihan na ninakawan, binantaan o seksuwal na minolestiya sa mga pagdiriwang sa labas ng katedral sa Cologne. Sinabi ng pulisya na isang babae ang minolestiya habang ang halos isang libong kalalakihan, na inilalarawan bilang mga kabataan at karamihan ay lasing ang umatake sa mga kababaihan sa square. Sinasabi ng ilang mga nakasaksi na ang mga lalaking nabanggit ay lumilitaw na mga tubong Hilagang Africa, ngunit iginigiit ng maraming pulitiko sa mga Aleman na huwag ilagay ang mga refugee sa ilalim ng pangkalahatang paghihinala.




