Key Points
- Lalong lumalim at lumawak ang relasyon ng Pilipinas at Australia sa pagbisita ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Pilipinas noong ika-8 ng Setyembre.
- Muling tiniyak ng Australia ang suporta nito sa claim ng Pilipinas sa mga teritoryo sa South China Sea.
- Ikinatuwa ng maraming Pilipino ang mga bagong oportunidad na inihain ng Australia sa laranagan ng edukasyon, migrasyon, depensa at programang pangkomunidad.
Lalong lumalim at lumawak ang relasyon ng Pilipinas at Australia sa pagbisita ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Pilipinas noong Biyernes, ika-8 ng Setyembre.
Sinabi ni Prime Minister Albanese na itutuon ng Australia ang pakikipag-ugnayan sa Pilipinas sa ilang aspeto.

At Malacañang Palace, the Prime Minister received a Ceremonial Welcome and had a bilateral meeting with President Marcos.
Ang official visit ni Prime Minister Albanese sa Pilipinas ang muling pagdalaw ng isang Australian leader sa bansa matapos ang dalawampung taon.
Para sa maraming Pilipino, tulad ni Mark, isang social media specialist, napapanahon ito.
Sa bilateral meeting ng dalawang lider, muling tiniyak ng Australia ang suporta nito sa claim ng Pilipinas sa mga teritoryo sa South China Sea.
Si Pangulong Marcos, nagpasalamat sa Australia. Isinagawa ang bilateral meeting ng dalawang lider habang sa South China Sea, muling hinarang ng China Coast Guard at Chinese maritime militia, ang re-supply ship ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre na naka-istasyon sa Ayungin Shoal.
"A word of thanks to you Mr Prime Minister for the strong support that you have made for the Philippines, especially during the past ASEAN conference where you have made very clear that the claims that are being made upon our Philippine maritime territory, are not valid and have not been recognised, and are not in conjunction, are not consistent with international law."
Para naman sa ibang Pilipino tulad ng tatlumpu’t limang taong gulang na si Gemma, umaasa silang mas maraming trabaho ang magbubukas para sa mga Pilipino sa Australia, sa pagbisita sa Manila ng Australian leader.
Daragdagan at pagagaanin din ng Australia ang mga oportunidad para makapag-aral at makabisita ang mga Pinoy sa Australia.
"Educational and institutional links will continue to play a key role in our bilateral relationship. And I am pleased today to announce that we are doubling the number of Australia Awards Scholarships available to students from the Philippines." pahayag ng Punong Ministro.
Welcome ito sa mga Pilipino, tulad nina Mark at Gemma, lalo ang nilagdaang Work and Holiday Visa Arrangement ng Australia at Pilipinas.
Sa ilalim nito, bibigyan ng visa at ng pagkakataong magtrabaho ang isang bumibisita sa Australia o Pilipinas, sa loob ng isang taon. Papayagan din siyang lumabas at pumasok muli sa bansa sa panahong iyon.
May tulong din ang Australia sa Pilipinas para sa pagbuti ng kapaligiran.
At may tulong din para sa Mindanao.
Hindi nakalimutan ni Prime Minister Albanese na kilalanin ang kahalagahan at ang mga kontribusyon sa Australia ng mga Pilipino ruon.
Australia and the Philippines enjoy a long-standing relationship based on close cooperation and enriched by the 400,000 Australians with Filipino heritage.Prime Minister Anthony Albanese
Nagpasalamat si Pangulong Marcos.
"It is heartening to find that our visions for the future are quite closely aligned and our goals for regional stability and prosperity resonates from this. Both the Prime Minister and I acknowledge that our shared values, the democratic and mutual respect for international law have been instrumental in fostering a strong partnership."