Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Pampederal na Pamahalaan maigting na inendorso ang kapasyahan sa South China Sea

site_197_Filipino_524277.JPG

Maigting na inindorso ng Pampederal na Pamahalaan ang pasya ng The Hague na tanggihan ang mga pag-aangkin ng tsina sa mga teritoryo South China Sea. Larawan: Ministro sa Ugnayang Panlabas na si Julie Bishop (AAP)


Sa isang kaso na tinitingnan bilang pag-subok sa lumalakas na kapangyarihan ng Tsina at ng mga pang-ekonomiko at estratehiyang intenisyon nito, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration laban sa Tsina.

 

Nagpasya ang hukom na nilabag ng tsina ang "sovereign rights o " mga karapatan sa kapangyarihan" ng Pilipinas sa pag-lagay sa panganib ng mga barko ng Pilipinas at pmga proyekto sa pangingista nito at paghahanap ng langis.

 

Sinabi nito na napalitan ng 1982 UN Convention on the Law of the Sea ang animnapu't siyam na taong basehan ng pag-aangkin ng tsina sa walumpu't limang porsyento ng South China Sea.

 

At sinabi pa nito na hindi maaaring magbuo ang Tsina ng sarili nitong teritoryo sa South China Sea sa pagtayo ng mga artipisyal na isla.

 

Sa Australya, sinabi ng Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Australya Julie Bishop, ito ay mahalagang kaso ng pagsubok sa mga ambisyon ng Tsina na maging isang pang-daigdigang lider.


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now