Aabot sa $1M Aus ang tulong na ibibigay ng Australia, sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Program sa pagitan ng dalawang bansa
- Ang tulong ay ilalaan para sa mga kagamitan sa Infectious Disease Ward ng Victoriano Luna Medical Centre
- Nagpasalamat si Defense Minister Linda Reynolds sa gobyerno ng Pilipinas sa paglilikas nito ng mga Australyano na naipit sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sa gitna ng community quarantine mula Marso
- Ayon kay Dr. Rolando Cortez, Director ng National Center for Mental Health na nakatanggap sila ng 300-400 tawag kada buwan sa panahon ng community quarantine mula Marso, hinggil sa anxiety o depression
Bago ang ECQ nasa 60-80 tawag lamang ang natatanggap ng hotline numbers ng National Center for Mental Health




