Highlights
- Isang pagpupulong ang isasagawa sa parliamento para pag usapan ang pagbubukas ng international border ng Australia sa mga turista.
- Pero ayon kay Home Affairs Minister Karen Andrews , hindi pa ito napapanahon lalo na at mataas pa rin ang kaso ng namamatay dahil sa Covid19
- Nananawagankay si Deputy Premier Steven Miles sa pederal na pamahalaan na magbigay ng mas maraming impormasyon tungkol sa vaccination rates ng mga aged care facilities.
Sa ulat ng pahayagan ng News Corp, magpupulong ang national security committee ng pamahalaan ngayong Lunes kung saan inaasahang mabibigyan na ng petsa ang pagbubukas ng Australia para sa mga turista.
Tinatayang sa loob ng dalawa o tatlong linggo ay makakapasok na sa bansa ang ibang byahero.
Ayon kay Home Affairs Minister Karen Andrews sa panayam ng ABC Insiders program, magbubukas lamang ang Australia kung ligtas na itong gawin.
Isinasaalang-alang naman umano ni Prime Minister Scott Morrison ang katayuan ng mga ospital bago gumawa ng anumang desisyon.
Sa ngayon, ilang skilled migrants, backpackers at mga estudyante ang pinayagan nang makapasok sa Australia.