Australia magpapataw ng mabigat na parusa sa social media sa mga marahas na post

A sign at the Facebook headquarters in Menlo Park, California Source: AAP
Ang Gobyerno ng Australya ay kumilos laban sa mga kumpanya ng social media na nagpapahintulot sa mga marahas na mga post na lumabas online. Ang bagong batas ay lumabas sa parehong araw (Huwebes, ika-apat ng Abril) nang sampahan ng pulisya ng New Zealand ng limampung kaso ng pagpatay at 39 na tangkang pagpatay ang lalaking akusado sa mga pamamaril sa mga moske sa Christchurch.
Share