Ang Australyanong nurse ay nabigyan ng The Order of Australia Medal - Queens Birthday Honours List 2020 para sa serbisyo sa komunidad noong nakaraang taon sa Embahada ng Australya sa Maynila
Highlights
- Binuo ni Val Smith-Orr ang NGO na Triple B Care Projects na naghahtid ng tulong sa mga burns patient, may bingot o cleft / lip palate at pagpurga ng bulate sa mga bata sa Zambales
- Ang kanyang clinic ay nagsimula sa kanyang hapag kainan sa inuupahang bahay na nailipat sa isang bahay kubo at ngayon sa isang inabandoanng store room
- Malaking bahagi ng pondo para sa NGO ay mula sa tulong ng mga organisasyon at fund raising sa Australya
- Taong 2021 ginugunita ang ika 75 taon ng ugnayang Pilipinas at Australya
"Pangakaraniwan tatagal ng hangang tatlong buwan ang pag-alaga sa mga biktima ng sunog. Marami sa kanila ang di kayang magbayad para skin grafting kaya inaalagaan namin sila. Sa mga malubhang kaso tinutulungan kami ng Children First Foundation na naka base sa Melbourne," Val Smith-Orr sa pag-alaga ng mga burns patient