Inihayag ng Australian Olympic Committee na isang hiwalay na panel ang itinalaga upang magsiyasat sa mga paratang ng pam-bu-bully sa lugar-trabaho. Larawan: Pangulo ng Australian Olympic Committee, John Coates (AAP)
Kasunod ito ng pagbibitiw ng matagal nang media director ng organisasyon na si Mike Tancred, na bumaba sa tungkulin hanggang sa malutas ang isang paratang ng panggigipit o pam-bu-bully laban sa kanya.
Nangyari ito habang ang pangulo ng A-O-C John Coates ay humaharap sa unang hamon sa kanyang pamumuno, matapos ang 27 taon sa tungkulin.
Share




