Sa katapusan ng Hunyo ang End of Financial Year sa Australia, panahon na naman para magsumite ng income tax return ang mga tao, indibidwal, malalaki o maliliit man na negosyo.
Ang iba excited lalo na yung alam nilang makakakuha sila ng buwis mula sa gobyerno tulad ni Juliet Maranan na nakakakuha ng $1500 kada taon.
2019, hindi pagkain o damit kanyang binili kundi isang makinang na bagay sa isang estante sa isang mall.
Isang singsing na may diamond, nag half price ito mula $3000 naging $1500 na lamang kaya sinungaban na niya agad, katwiran niya mas maganda iyong bilhin dahil nakikita niya araw-araw ang kanyang pinaghirapan. Pwede daw niya itong maibenta o maisangla kung dumating ang panahon na siya ay magipit. Habang balak naman niyang ipatanggal ang taba sa kanyang baba sa isang taon.
Si Anabelle Castillo na hindi man end of financial year ugali na ang mamili kahit ng mga bagay na hindi naman kailangan.
Ayon sa kanya nag niningning daw ang kanyang mga mata kapag nakikita niya ang mga dilaw na tag sa produkto,hindi pwedeng hindi siya uuwi ng bahay na wala siyang bitbit.
Nariyan ang bumili ng mga damit at gamit ng mga bata kahit hindi pa nagbubuntis ang kanyang manugang. Nanghihinayang daw kasi siya sa baba ng presyo.
Ang half Filipina na nagpapagatago sa pangalang Suzanne halos dito na daw siya tinubuan ng uban sa Cairns, nakakahiya man pero aminadong hoarder. Nagtatrabaho siya sa isang malaking tindahan ng school and office supplies.
Sa tuwing may bagsak presyo sa kanilang tindahan ay binibili niya, mapa eraser na 50 centavos ang halaga, sangkaterbang printer, notebook, papel, lapis, ballpen mga upuan at lamesa.
Hindi rin nakakalusot sa kanya ang mga gadget tulad ng cellphone na bagsak presyo, araw-araw kasi ay may nagsasauli sa kanila ng mga produktong binili. Karaniwang dahilan ng pagsasauli ay nagbago ang isip, hindi satisfied sa binili o kaya ay may depektoang produkto kahit wala naman.
Dahil nabuksan na ang packaging ay ibaba na ang presyo. Ang resulta napuno na ng kung ano anong gamit sa kanyang bahay, isa na rin daw itong dahilan kung bakit hindi na siya binalikan ng kaniyang asawang croatian. Habang humiwalay na ng bahay ang kanyang mga anak.bagay na wala na siyang magagawa.
Sunod-sunod din ang mga nagdedeliver ng kung ano anong bagay sa kanyang bahay na kanyang inorder online. Halos wala na siyang madaanan dahil sa dami ng nakatambak na gamit.
Ayon sa Paypal 2019 Commerce Report, seven out of ten sa mga Australian ang nag-aabang ng SALE o discounts sa mga shops.
58% sa mga Australians naman ang nagsasabing impulsive, o hindi pinag-iisipan at mahilig bumili online dahil bagsak presyo ang mga produkto.
Ang mga average shopper ay gumagastos ng $108 kahit hindi nakatakdang magsale o kahit walang kahit kaunting diskwento.
Inaasahang tataas pa ito dahil sa mga buy now, pay later scheme.
Sa huli nagiging malaking tulong ito sa mga negosyante lalo na ngayong may pandemya. Para sa mga mamimili, ano man daw ang maging desisyon sa buhay basta ang mahalaga ay masaya,walang nasasaktang ibang tao at hindi sila nalulubog sa gastos ay ayos lang.




