Highlights
- Maraming mga Australyano ang naeengganyong gumamit ng Afterpay, ZipPay, at Interest Free Services
- Ayon sa healthcare worker na si Claudia, dapat kontrolado ang pagbili at paggamit sa mga serbisyong ito
- Pero babala ng eksperto, kailangang imonitor ang paggastos para hindi malubog sa utang
Lumalabas sa ginawang pag-aaral na 78% ng mga Australians ay nagsasabing ang mga mobile apps at mga posters na nakadikit sa mga pintuan at bubong ng mga shopping malls na nagsasabing 'Buy Now Pay Later', 'Rent to Own' at 'Interest Free Services' ay isa umanong gimik na nangeenganyo sa mga mamili na gumastos pa ng mas malaking halaga.
Pero pinatunayan ng isang healthcare worker mum na si Claudia Tabalina na depende sa pagkontrol at pagdisiplina sa sarili.
Dahil sya din ay gumagamit ng ganitong scheme, simula nang ilunsad ito sa merkado. Maliban sa ito yong usong gimik ng mga negosyante para makabenta, para kay Claudia ginamit nya ngayon ang mobile app na Afterpay at ZipPay para pambili ng gamit sa kusina at importanteng bagay para sa kanyang pamilya.
Ayon sa kanya ang After Pay na ginagamit nya ay nagbibigay ng ilang buwan para mahulug-hulugan yung binili niyang item.
"Advantage ng Afterpay nakukuha mo na agad yong item, I-track ka lang magbayad hindi sya magde-deduct kaagad. For example, 2 weeks pa due yong first payment pero nakukuha mo na yong item,"kwento ni Claudia.

Mans hands photographing credit card using smartphone Source: Getty
At dahil may pandemya, sabi nito mas marami silang oras na ginugugol ngayon sa trabaho pero ayaw nyang mawala ang quality time nya sa pamilya lalo na ang kanyang pagluluto para sa pamilya. Kaya isa sa mga kanyang binili gamit ang Afterpay service ay makakatulong para maging madali at masarap ang kanyang niluluto para sa kanyang pamilya. At itinuturing din nitong reward sa sarili ang nabiling gamit sa pagluluto.
“I bought a deep fryer kasi convenient siya gamitin. Kaso mahal kasi kaya ginamit ko yung Afterpay," sabi pa nito.
Ayon sa isang negosyante , lawyer , co-founder at managing director ng Gimmie na isang bagong online market place para sa pang malakihang pamimili na si Scott Roworth, lumalabas sa kanilang ginawang pag-aaral karamihan sa mga batang Australian ay ayaw ang tradisyonal na pamamaraan ng pamimili o pag-utang kaya na-uuso ngayon ang Buy Now Pay Later , Afterpay , ZipPay at iba pang scheme sa pagbebenta.
“Kung dati, mag-iipon ka muna bago mo bilhin yong gusto mo. Pero majority ng mga kabataan ngayon gusto yong makuha agad yong item, bagay na magagawa yan sa Buy Now Pay Later,” paliwanag ni Roworth.

Source: Photo by Liza Summer from Pexels
Pero may payo si Roworth, dahil maraming nagsusulputang Buy Now Pay Later scheme na ang mga kondisyon ay masyadong komplikado at maraming hidden charges, na sa huli ay dehado ang mga mamimili.
"May mga biglang pumapasok na interests dun. May mga hidden charges gaya ng application fee, account keeping fee, transaction fee, at marami pang babayarin. Marami ding mga kompanya ang pino-promote yong maganda at itinatago yong masamang epekto kaya dapat mag-ingat at dapat maintindihan yong agreement ," dagdag pa ni Roworth.
Ito din ang isinaalang-alang ni Claudia bago bumili ng ano mang gamit sa kusina o pansariling gamit at serbisyo na kanyang kinukuha sa pamamagitan ng Afterpay o ZipPay. Sabi nya dahil sa bilis mong makuha ang gusto mo kahit wala kang inilalabas na pera, maari itong maging addictive.
“Disiplina [sa sarili] at dapat talaga limitahan kung ano lang yong kailangan saka ka lang bumili. Hindi yong bili ka ng bili dahil magastos din yon at di mo namamalayan malaki na ang halaga na nakuha mo," sabi ni Claudia.
Isa din sa nakita ng inang si Claudia, ang pagkakaroon nya ng driving force na magtrabaho ng maigi dahil nakukuha nya ang kanyang gusto at naging reward na din sa sarili sa pamamagitan ng After pay at Zip Pay.

การใช้บริการแบบซื้อก่อน-จ่ายทีหลังผ่านบัตรเคตดิต Source: Pexels
Dagdag payo naman ni Roworth, wag gumastos ng higit sa kinikita para hindi mabaon sa utang. Dapat din isa-alang alang na maliban obligasyon sa ganitong scheme, maraming pang ibang babayarin gaya lang ng renta sa bahay at pang-araw araw na pagkain.
"Hindi tayo sumasahod ng milyong dolyar kada buwan, kaya dapat huwag gumastos nang lampas sa iyong kinikita para hindi ma-out of budget at malubog sa utang."
BASAHIN/PAKINGGAN DIN
READ MORE

Paano kumawala sa credit card utang?