Sa pagsisimulang pagluluwag sa mga ipinatupad na paghihigpit sa mga lugar ng pagsamba, abalang naghahanda ang komunidad Pilipino sa hilagang baybayin ng Sydney para sa unang angkop na Linggong misa sa loob ng halos tatlong buwan.
Mga Highlight
- Mula Linggo (ika-6 ng Hunyo), papayagan na ang 50 katao na pumasok sa mga lugar ng pagsamba at hanggang 50 katao ang papayagan makadalo sa misa.
- Tanging dalawang katao ang papayagan sa bawat isang mahabang upuan sa loob ng simbahan, na may pagitan na isang upuan sa bawat hilera ng upuan.
- Ang mga Pilpino Australyano ang ika-limang pinakamalaking komunidad ng Pilipinong expat, at nasa 232,000 ang bilang nila sa buong Australya. Tatlong-kaapat ay nagpapakilala bilang mga Romano Katoliko.
ALSO READ / LISTEN TO

How a religious community in Sydney's North Shore is adapting to the 'new normal'