Awiting pamasko, handog ng isang mang-aawit para sa mga kapwa Pilipino sa Australia

Mirasol Loyaga on Filipinos celebrating Christmas together.jpg

In a 'Night to Remember', Mirasol Loyaga hopes to bring Filipinos in Sydney together in an early celebration of Christmas. Credit: Mirasol Loyaga

Makalipas ng sampung taong pamamahinga sa pagkanta, sa kanyang muling pag-awit, handog ng tubong-Maynila na si Mirasol Loyaga ang natatanging awiting Pamasko para sa mga kababayan sa Australia.


Sa isang gabi ng kantahan at kasiyahan, hangad ng mang-aawit na si Mirasol Loyaga na makapagdala ng maagang saya para sa Kapaskuhan sa kanyang mga kababayan sa New South Wales.

"Para sa ating mga Pilipino, pinakamahalagang selebrasyon ng Pasko ay ang pagsasama-sama at pagsasalu-salo," anang ng mang-aawit mula Maynila.

Sa awiting isinulat ng songwriter na si Oliver Gadista, inihahandog ni Mirasol ang 'Santa bring my baby home' sa mga Pilipino na naghahangad na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay na malayo sa kanila.

"Bagaman patuloy ang pagsubok sa ating mga buhay, kahit na malayo tayo sa ating mga minamahal, laging isipin na ang pagmamahal at suporta sa bawat isa ay magpapatuloy."

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand