Highlights
- Muling binuksan ang border ng QLD sa lahat ng estado maliban sa Victoria
- Ilan sa mga kababayang Pilipino, ramdam pa din ang epekto ng pandemya
- Mga dapat alamin tungkol sa tamang pagsuot ng face mask
Isa sa mga dinarayo ng mga turista ang siyudad ng Cairns kung saan matatagpuan ang magagandang pasyalan tulad ng Great Barrier Reef na patok sa snorkling. Dito makikita ang iba't-ibang klase ng isda at corals sa napakalinaw na tubig.
Ayon kay Tourism Tropical North Queensland officer Mark Olsen, inaasahang nasa 250 milyong dolyar ang maaring kitain ng turismo sa pagpasok ng mga turista.
Mahaba naman ang trapik sa mga kalsada ng border. Bago kasi tuluyang makapasok ay kailangan sumailalim sa imbestigasyon ng mga pulis at health officials, at kanilang tinitiyak na walang sinumang ang makakapasok lalo na ang mga galing Victoria.

A police officer stops a driver at a checkpoint at Coolangatta on the Queensland - New South Wales border, Thursday, April 9, 2020. Source: AAP
Hindi na rin pinapayagan ang pagpasok dito kahit ang rason ay dadalo sa isang libing. Maaari umanong maging dahilan ito sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Queensland.
Bagama't tuluyan nang binuksan ang border, ilan sa ating mga kababayang Pilipino ang ramdam pa rin ang epekto ng pandemya.
Lalo at higit ang mga nagtatrabaho sa mga hotel at resort. Dahil limitado pa rin ang nga turista limitado rin ang kanilang mga oras sa trabaho. Kung dati ay pumapasok sila ng higit 5 araw sa isang linggo ngayon tatlo o apat na araw na lamang.
Ang kita nilang $700-$800 sa isang linggo, ngayon umaabot lamang ng $250-$400.
Pero nagpapasalamat na rin sila dahil kahit paano ay may naiiuwi sa pamilya.
Paggamit ng face mask

The Australian government recommends wearing face masks when leaving home Source: Getty Image
Sa Pilipinas, mahigpit na ipinaiiral ang paggamit ng face mask lalo kung lalabas ng bahay, doon hinuhuli at ikinukulong ang sinuman na lumabag.
Dito sa Australia, wala pang pormal na kautusan ang Gobyernong Pederal sa paggamit ng face mask kumbaga iyon ay ayon na lamang sa iyong kagustuhan.
Kung sakali, maari umanong maubusan ng suplay ng face mask ang mga frontliners na sila umanong mas nangangailangan.
Ayon sa Mary-Louise Mclaws, tagapayo ng World Health Organisation, hindi kailangan na magsuot ng face mask sa mga open areas, maliban na lamang kung sasakay ng mga pampublikong sasakyan, sa eroplano o sa mga opisina na hindi nagagawa ang social distancing lalo na sa mga hot spot areas na mataas ang bilang ng may COVID-19.
Hindi rin pinapayuhan na magsuot ang mga taong may iniindang sakit lalo na ang mga nasa edad 60 pataas. Isa sa mga dahilan ang mahirap na paghinga dahil sa kanilang edad at karamdaman.
Tamang pagsuot ng face mask
Sa paggamit naman ng facemask siguraduhin na malinis ang kamay bago ito hawakan. Ikurba ang matigas na bahagi ng facemask sa balingusan ng ilong at siguraduhin na sakop ng mask ang baba nang sa ganon ay walang makapasok na mikrobyo.
Kung napapansing nagmomoist o nagbabasa basa na ang face mask ay agad na itong itapon hindi na umano ito epektibo dahil hindi na nakakasala ng dumi.Hawakan lamang ito sa tali na nakasabit sa iyong tenga.
Bukod sa paggamit ng face mask at paghuhugas ng kamay, pinakamainam pa rin ang social distancing para pangalagaan ang sarili gayon na rin ang iyong kapwa.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN