Key Points
- Inanunsyo ni Clare Savage, Chair ng AER, ang posibleng pagbaba sa presyo ng kuryente sa mga tahanan na nasa standard retail plans ng hanggang 7 porsyento o 9.7 porsyento sa mga may negosyo.
- Nakatakdang magkaroon ng desisyon sa Mayo matapos ang konsultasyon sa draft, at ipatutupad ito sa mga energy bill mula Hulyo.
- Ayon sa plano ng Labor na Powering Australia, na inilabas bago ang 2022 Federal Elections, inaasahang mababawasan ng $275 kada taon ang mga bayarin sa kuryente sa buong bansa sa taong 2025.