Ang pagiging isang babae sa ika-21 siglo: "Empowered, financially confident, not afraid of failure"

International Women's Day

Michelle Baltazar, editor-in-chief of Money Magazine Source: Supplied

With uncertainties that continue to succumb women in their everyday struggles for gender equality, fair treatment and pay at work, lies the truth that women want to make sure that they are 100-percent sure to take on a task. Sa kawalan ng katiyakan na patuloy na bumabalot sa mga kababaihan sa kanilang pang-araw-araw na pakikibaka para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, makatarungang pagtrato at patas na sahod sa trabaho, namamalagi ang katotohanan na nais ng mga kababaihan na tiyakin na sila ay 100-porsyento na sigurado sa pagganap sa mga gawaing kanilang tatanggapin.


"I really feel that a lot of women don't want to do something until they are a 100-percent sure that they can do the job. There's this fear that we would fail or we are not good enough and that is uniquely for women, but (women) should not be afraid of failure, juts keep pushing your boundaries and positive," ani ni Michelle Baltazar, executive director - media sa Rainmaker Group at editor-in-chief ng Money Magazine, pinakamatagal na umiiral na finance magazine sa Australia.

Naiintindihan ng manunulat, finance journalist at editor, na nagmula sa Leyte sa Pilipinas, ang halaga ng finance market business bata pa lamang siya nang naranasan niyang magtindi ng mga chips at bubble gum sa paaralan at sa kalaunan matapos na makatapos sa University of Sydney, at pumasok sa kanyang unang trabaho sa isang business magazine napagtanto niya na ang pamamahayag sa negosyo ay isang bagay na nais niyang gawin.
Finance
Michelle (centre) hosting a round-table on Financial Technology and the future of banking and financial advice Source: Supplied

Ang mga kababaihan ngayon ay malaya sa pananalapi

Ang pagiging malaya sa pananalapi ay isang isyu na patuloy na kinakaharap ng mga kababaihan sa ngayon, Ngunit paano nga ba magsarili sa pananalapit at hindi umasa sa iba?

Sa kanyang halos dalawampung taon sa finance journalism, tinukoy ni Bb. Baltazar ang "financial independence is different for different people and I think for migrants, financial independence is also different for us, coz' usually for us, (for many Filipinos), our financial independence ay kasama ang ating pamilya so parang times four ang pinag-iipunan natin," at dagdag niya na "before financial independence, it should be financial confidence muna, just to understand kung ano nga ba 'yung mga opportunities na puwede mong i-exploit".

Ngunit para sa mga kababaihan, lalo na partikular sa mga migranteng kababaihan, ang kalayaan sa pananalapi ay nagiging doble na mas mahirap. Isinasaalang-alang na kapag nabuntis at nanganak ang isang babae, tila awtomatiko na isang taon ay kailangang lumiban mula sa trabaho. Ang mga kawalang-katarungan sa trabaho at hindi pantay na suweldo ay iba pang mga isyu na maaaring makaapekto sa kalayaan sa pananalapi ng mga kababaihan. "In women's career, you also have to fight the glass ceiling where more than likely men get promoted faster than women," ayon sa finance journalist na si Michelle Baltazar. 

Ang mga malalakas na mga kababaihan ay pinapanatili ang kanilang ugnayan sa kanilang kultura

"Embracing your identity and rich heritage is part of the formula of my success or achievement, because there's so many great traits about being a Filipino" bigay-diin ng Australian Filipina magazine founder, binigyang kredito ang mga mga ugali at katatagan ng mga Pilipino na nagtulak sa kanya na maging "involved in the community and if I can make a difference or if I can inspire just one Filipina to embrace her identity and be proud of it then I would feel that it's a mission accomplish for me".
Michelle Baltazar
Michelle Baltazar (right) with singer/actor Marcus Rivera and Miss Philippines Australia 2015 Rica Alido Sey Source: Supplied

Mga kababaihan ng ika-21 siglo ay hindi takot na mabigo

Bagaman marami pa ang kailangang gawin para tunay na masabi na ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay umiiral dahil mayroon pa ring mga pakete ng diskriminasyon, ang mabuhay sa ika-21 siglo ay mas mahusay kaysa sa mga kapanahunan ni Jane Austin "where women didn't have rights to vote or women didn't have access to education," ayon sa Filipino-Australian journalist.

Ngunit habang ang bagong panahon ay nakakalula, labis ang hinihingi at sa Instagram at Facebook at iba pang mga platform sa social media, labis ang presyur na maging perpekto, kaya ayos lamang na mabigo, "it's okay to fail, it's okay to cry, it's okay to be vulnerable... so being a woman in the 21st century is exciting, it has its challenges but the opportunities far outweigh the hardships and struggles".

Ang samantalahin ang mga oportunidad para sa pagpapa-unlad ng sarili at manatiling medyo malusog ay makabuluhang kapaki-pakinabang para sa mga kababaihan sa ngayon. "Be healthy, hopefully wealthy and wise in the 21st century and maybe sometimes take time to do that, because life is moving so fast we forget to really stop and think, what is it that I want to do," pagtatapos ni Bb. Baltazar.
Finance
Michelle (middle) at the 2019 Best of the Best Awards in Sydney Source: Supplied

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand