Binigyan diin ni Bb. Naylor na ang Pandaigdigang Linggo ng Pagpapasuso ay isang magandang pagkakataon upang madagdagan ang kaalaman, magbigay ng suporta at maipakita kung paano nakatutulong ang pagpapasuso sa pagiging sustenable ng mundong ating ginagalawan.
Tala: Sa naganap na pagdiriwang ng World Breastfeeding Week nakapanayam ng brodkaster na si Roza Germian ng Programang Kurdish ng SBS Kurdish ang CEO ng Australian Breastfeeding Association na si Rebecca Naylor. Ginamit sa tampok na ulat na ito ang ilang mga boses mula sa nasabing panayam gayundin ang mga tinig ng ilang babaeng Pilipina na nagpahayag ng kanilang karanasan sa pagpapasuso.



