Kasunod ng pagdiriwang ng National Ride to Work Day sa Australia, isang survey ang nagsasabing patuloy na bumababa ang bilang ng mga nagbibisikleta sa patungo sa lugar ng trabaho.
Key Points
- Batay sa resulta ng isang survey ng International Workplace Group, dalawa lamang sa bawat limang nagbibisikleta ang gumagamit nito bilang pangunahing transportasyon papunta sa kanilang pinagtatrabahuhan.
- Ayon sa 2021 Census, wala pang isang porsiyento ng 12 milyong mga manggagawa sa bansa ang gumagamit ng bisikleta.
- Sa kabila ng mga benepisyo ng pagbibisikleta, nananawagan ngayon ang mga lider ng industriya ng mas maraming insentibo upang hikayatin ang mga tao na iwan ang kanilang mga sasakyan at magbisikleta.
Share





