Ayon kay Prime Minister Scott Morrison mas pina-igting ngayon ng Australia ang pagbabantay laban sa virus.
Well-equipped din daw ang Australia na harapin ang outbreak sakaling makumpirma ito sa bansa.
Nagsimula ng sumailalim ang lahat ng pasahero mula Wuhan, China sa isang screening sa Sydney airport.
Nag-upgrade na din ang pederal na gobyerno ng travel advice para sa China at nagbabala sa mga Australyano na kung magba-byahe patungo sa Wuhan City, ay maging maingat at kung makaramdam ng sakit ay kaagarang humingi ng tulong medikal.