Sa puso ng Blacktown: Isang lokal na kapihan na pagmamay-ari ng Pinoy matapang na gumagawa ng kaibhan sa pakikisalamuha sa kapwa

Young Lion's Cafe

Young Lion's Cafe at the heart of Blacktown Source: Supplied

Higit sa pag-unlad nito sa industriya ng kapihan, ang Young Lion's Cafe ay masaya sa paghabi nito ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na mamimili nito, gumagawa ng kaibhan sa tunay na pakikisalamuha ng tao sa pamamagitan ng kanilang karanasan sa pagbili.


Sa panahon ngayon kung saan halos bawat isa ay lagi na lamang abala sa kanilang mga ginagamit na mga bagong teknolohiya at mas kaunting tunay na pakikisalamuha sa pagitan ng mga tao, ang baguhan sa negosyo ng kape na matatagpuan sa gitna ng kanlurang Sydney ay naglalayong ikintal ang pangalan nito sa paglikha ng tunay na pakikipag-ugnayan ng tao.

Sa pagdiriwang ng ikalawang taon nito ngayong Disyembre at sa kanilang mga napagtagumpayan ang Young Lion's Cafe ay "committed to serving quality coffee daily, offering delicious food options and radiating goodness to all people we meet".
Young Lion's Cafe
Start your day with a smile Source: Young Lion's Cafe
Ano nga ba ang mararanasan sa Young Lion's Cafe? Kasama ng mga palakaibigan at masayang tauhan nito, palaging may musika at makikinig na tawa dito. "Sometimes we have customers telling us that they can hear our laughter from along way away," ani ng co-owner na si Qwayne Guevarra at dagdag nito na "it's really that culture of gratitude and seeing life as a gift that we are able to really share that with our customers. It's really that encounter of just its joy".
Young Lion's Cafe
Young Lion's Cafe friendly and cheerful crew Source: Supplied
Sa YLC, hindi lamang tasa ng kape ang makukuha ng mga tao, ngunit ang pakikipagkaibigan din. "We really try hard to remember our customers' names and their coffee orders because we want them to know that they are special and they matter."
Young Lion's Cafe
Locals experience real person-to-person encounter while getting their cup of coffee from Young Lion's Cafe Source: Supplied
Ibinahagi ni Qwayne Guevarra na bilang isang lokal na kapihan, nais nilang tiyakin na ang mga customer ay nagtutungo sa kanilang cafe hindi lamang para sa kanilang kape kundi para sa karanasan din. At ang patunay nito ay ilang mga lokal na customer sa kalaunan ay naging kanilang mga kaibigan. "Over time over the last two years, we've developed some really good friendships with a lot of our customers that we can probably not call customers anymore, they're like our friends."
Young Lion's Cafe
At Young Lion's Cafe, where customers eventually become friends. Source: Supplied
Sa unang bahagi ng taong ito, ang Young Lion's Cafe ay ibinoto bilang pinakamahusay na cafe ng Blacktown matapos ang mga coffee connoisseurs sa lugar ay nagsabi kung aling shop ang naghahain ng pinakamahusay na kape sa lugar.
Young Lion's Cafe
Young Lion's Cafe is voted as Blacktown's best cafe in early 2019. Source: Supplied

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand