Highlights
- Nasa 90% ng sariwang bulaklak sa Australia ay iniimport pa mula ibang bansa. At ngayong limitado ang supply partikular ang rosas, dumoble ang presyo nito bago sumapit ang Valentine's Day.
- Alternatibo ng mga naghahanap ng ecological at economical na regalo ang dried at preserved flower arrangements.
- Nang dumami ang plantito at plantitas dahil sa lockdown, mas pinipili na rin ng marami ang nakatanim na halaman kaysa pinitas na rosas bilang regalo.
Ngayong buwan ng Pebrero, ilang negosyo ang namumukadkad kasabay ng selebrasyon ng Valentine's Day. Sino ba namang hindi kikiligin kapag nakatanggap ng regalo at bulaklak mula sa minamahal?
Pero bukod sa sariwang rosas, ayon sa florist na si Diana de Borja ng Blooming tales, trending o nauuso na rin ang pagbibigay ng preserved flowers ngayon.
Everlasting bouquet kung tawagin nila ang makukulay na pinatuyong bulaklak na tulad ng pagmamahal na di nalalanta.




