Mula sa mga testimonya na narinig, nakita ng 33 anyos na si Blezel Anne Flores ang pagsisisi at kawalan ng pag-asa sa mga mata ng maraming babae na nakipaglaban sa sakit na kanser.
Bilang isang nars at support worker, umaasa siyang maibabalik niya ang pag-asa sa buhay ng mga kababaihan na nawalan ng pagpupuri sa kanilang sarili dahil sa kanser.
Maniwala sa iyong mga pangarap
Sinabi ni Bb Flores, simula ng siya ay bata pa, ay talagang nais na niyang sundin ang kanyang hilig.
Ibinahagi niya na matapos na maging nars ng dalwang taon sa Hilagang Amerika ay sinabi niya sa kanyang ina na nais niyang bumalik sa Pilipinas upang sundin ang kanyang pangarap na maging isang make-up artist.
“I told my mum I wanted to go back to Cebu and stop my nursing career. I want to pursue something I love and that is make-up and that’s where I started.”

Ever since she was young, she was an independent woman who always wanted to pursue her passion- make up. Source: Blezel Anne Flores
"Naniwala siya sa kanyang kakayahan”
Nakuha ni Bb Flores ang kanyang unang break bilang isang makeup artist nang siya ay namimili ng mga produkto sa MAC cosmetics at kinuha ng tagapamahala na maging isa sa mga bumibisitang makeup artist.
“When I went shopping at MAC cosmetics, a supervisor asked me if I was make-up artist and I said yes, she asked if I wanted to guest in. It started there and I worked with them for 2 years.”
Simula noon ay namulaklak na ang kanyang karera at naging isa siya sa mga tanyag na make-up artist sa rehiyon kung saan nakakuha din siya ng mga gig sa mga pangmundong pageants.

Blezel Anne Flores became one of the most sought after make-up artists in Cebu. Source: Blezel Anne Flores
Nagdusa ang aming pamilya dahil sa kanser
Ayon kay Bb Flores, nakita ng kanyang mga mata ang pait na dulot ng kanser.
"I have been a victim of losing people I loved because of cancer. And it is painful."
Parehong na-diyagnos ng sakit na kanser ang kanyang ina at kapatid na babae at inaamin niyang ito ay naging mahirap para sa kanila.
“My mum had thyroid cancer and then my sister was diagnosed with ovarian cyst.”
"Our prayers at that time were fervent. It was a struggle for all of us and that's when we realised we really have to look after the people that we love."
Mula sa sariling karanasan ng pighati, nakumbinsi si Bb Flores upang kumilos.
“I realised I have to help through my talent. I want people suffering from cancer to feel alive and confident again. I want them to feel loved because cancer sucks you up."
Image
Hulog ng langit
Tulad ni Blezel, karamihan sa mga tao ay naniniwala sa karma. Ayon sa kanya ang buhay ay parang isang eko; anuman ang binibigay mo, ay babalik sa'yo.
“When I was working as a nurse in South America, I was inspired by one of my patients. What I can remember was when she helped people, her fridge never ran out of food. When you help, things come back to you in unexpected ways.”
Sa tulong ng kanyang mga kaibigan at taga-suporta, binuo niya ang isang libreng makeup workshop para sa mga kababaihang na-diyagnos ng kanser.
Layon ng 'Bring that glow from within' na mabigyan ang mga pasyente at survivor ng kanser ng mga kasanayan sa pagpapaganda upang muling maibalik ang kanilang tiwala sa sarili.
Image
Kinang sa gitna ng kanser
Bagaman medisina ang chemotherapy para sa mga pasyente ng kanser, ito ay nagiging hamon din sa mga may sakit.
Ibinahagi ng mga may kanser kung gaano kahirap para sa kanila na makitang nalalagas ang kanilang buhok ngunit kinailangan nilang manatiling positibo sa gitna na terapiya.
Ibinahagi din ng isang pasyente na nagpakalbo siya bago pa man magsimula ang kanyang chemo.
"When I was diagnosed with stage 2 breast cancer and the doctor said I will lose my hair during chemo, I went immediately to the salon and had my hair shaved," sabi ni Ginang Eloisa Gallego.
Sa nasabing workshop, limang mga mandirigma laban sa kanser ang tinuruan ng mga mahahalagang payo sa pag-aayos at pangangalaga ng balat.

Ms Eloisa Gallego was diagnosed with stage 2 breast cancer. Source: SBS Filipino
“I gave a 45-minute live demo on how to put make-up, taught them some make-up essentials and I had them do their own make-up under my supervision.”
Ibinahagi din niya na masaya siya na makita ang mga sariwang kinang sa kanilang mga mata.
“Its very overwhelming to see the smile on their face. I’m so happy seeing them wear make up, they’ve built their confidence and during the photoshoot they were happy to pose too.”
Hindi ka nag-iisa

Ms Flores gave a 45-minute live demo on makeup application and proper skin care. Source: SBS Filipino
Hindi mo kailangang harapin ang bukas ng mag-isa. May nagmamahal sa'yo.
May malaking epekto ang paghikayat sa mga kababaihan.
Isang tapik sa likuran, balikat na ma-iiyakan at ang isang ngiti ay nakakahawa.
Tiwala sa sarili ang pinakamabuting makeup
Naniniwala si Bb Blezel Anne Flores na ang pinakamabuting kolorete sa mukha na pwedeng isuot ng isang babae ay ang pagitiwala sa kanyang kakayahan.
"Confidence is the greatest makeup. Even if you don't have makeup on, once you have that confidence everything just flows. You will always be beautiful, whether you're sick or not."