Masayang ipinagdiwang ng komunidad ng Brisbane ang taunang Mosaic Festival, na ginanap sa Roma Street Parklands sa Brisbane.
Mahaba ang naging selebrasyon ng taunang Mosaic Festival na inihatid ng Multicultural Development Australia. Ito ay makulay at masayang pagsalubong sa mga migrante sa Queensland. Nabalot ng nakakatakam na amoy ang buong Roma Street Parklands sa Brisbane dahil sa sari-saring tradisyunal na putahe mula sa iba’t-ibang parte ng mundo. Pinaghandaan at ginalingang tunay ng mga grupo ang kanilang palabas ma kinagiliwan ng daan-daang manonood.
Share




