Key Points
- Sa nakaraang taon hanggang Setyembre 2024, higit 175,000 na Australian ang bumisita sa Pilipinas.
- Gusto mong tunay na maranasan ang Pilipinas? Sumukay ng mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, tricycle, o bus. Ito ang paraan ng karamihang Pilipino sa kanilang araw-araw na biyahe.
- Ilang salita na may kaugnay sa pagbiyahe ang 'Paglalakbay' at 'Para po' (para mapahinto ang pag-andar ng pampublikong sasakyan at gustong bumaba.)
Ang "Learn Filipino" podcast series ng SBS Filipino ay idinisenyo upang tulungan ka sa pagsasalita at pag-unawa sa wikang Filipino habang pinapalalim ang koneksyon sa kulturang Filipino.
Ang araling ito ay nababagay sa mga baguhan hanggang intermediate na mag-aaral.
Ang paggamit ng pampublikong transportasyon at simpleng mga pariralang Filipino ay maaaring magbukas ng mga pinto para sa tunay na koneksyon — pinahahalagahan ng mga lokal ang pagsisikap, at mas madarama mo ang kultura.
Malaki ang naitutulong ng ilang salita para sa mas mahabang usapan, tulad ng:
- Kumusta ka?
- Salamat
- Kumain ka na?