Ang mga pensioner ay inaasahang makinabang sa badyet ngayong araw sa pagpahayag ng minsanang kabayaran para matulungan sila sa pagbayad ng kuryente. Larawan: Ang takip na pahina ng 2017-18 Budget (AAP)
Kinumpirma ni Ingat-Yaman Scott Morrison ang pagbibigay ng salapi na bahagi ng kasunduan na naabot niya kay Nick Xenophon para ipasa ang unang bahagi ng pagbabawas ng pamahalaan sa company tax.
At sa ulat na ito, ipinadama rin ni Morrison na mayroong karagdagang salapi para sa kalusugan at kumprehensibong pakete sa pabahay.
Share




