Mga haka-haka at maling paniniwala tungkol sa bakuna kontra COVID-19

COVID-19 vaccine

新州疫情嚴峻, 專家呼籲市民要快快接種疫苗。 Source: AAP

Sinasabi ng mga eksperto na ang mga bakuna ay ligtas at epektibo.


Highlights
  • Dumarami din ang mga maling akala at maling impormasyon na nakapalibot tungkol sa bakuna
  • Ang mga kumakalat na maling impormasyon ay hindi nakakatulong sa publiko
  • Tinanong namin ang eksperto, kung alin sa mga paniniwalang ito ang hindi totoo
Sa ulat na ito, aalamin natin ang mga kumakalat na maling paniniwala tungkol sa mga bakuna.

 


 

 

Kinausap ng SBS ang infectious disease physician at ANU professor na si Peter Collignon
para ipawalang-saysay ang ilang maling akala tungkol sa mga bakuna.

Myth no. 1: Ang bakuna ay hindi umano ligtas para sa mga matatanda

Marami ang naniwala dito matapos na bawian ng buhay ang 33 matatanda sa Norway makalipas ng ilang linggo matapos tumanggap ng unang dosis ng Pfizer/BioNTech vaccine.

Kinalaunan kinumpirma ng Institute of Public Health ng Norway na walang direktang ugnayan sa pagitan ng pagkamatay ng mga matatanda at ng vaccine ngunit nasira na ang tiwala ng mga tao sa bakuna.

Sinabi ni Professor Collignon na habang maaaring maging sanhi ng kaunting lagnat ang mga vaccine na
maaaring maging sanhi ng mga komplikasyon para sa mga matatanda na mahina na ang resistensya, ang totoo'y mas madali ng magkasakit ang mga matatanda at dahil na rin sa katandaan mas mataas na ang bilang ng mga namamatay sa kanila.

Myth no. 2: Maaari kang magka-COVID-19 matapos mabakunahan

Ayon kay Propesor Collignon - ito ay imposible.

"The vaccine won't give you COVID, because it doesn't contain live virus. None of the vaccines contain live virus or any variation of COVID, so it would almost be impossible to get COVID from the vaccine itself," ani Collignon.

Myth no. 3: Hindi raw epektibo ang bakuna dahil napakabilis itong nagawa

Ito ang maling paniniwala na madalas na marinig ng marami.

Ang coronavirus vaccine ay siyang pinakamabilis na bakuna na nilikha - pero mahabang proseso ang inilaan dito.

Ang ibang mga bakuna na regular nating ginagamit ngayon ay inabot ng ilang dekada bago nagawa.

Ngunit, sa konteksto ng hindi inaasahang bilang ng mga pagkamatay na dulot ng COVID-19, nagawa ng mga siyentipiko ang trabaho sa loob lang ng wala pang labingdalawang buwan.

Habang patuloy ang pagkolekta ng mga datos, wala namang duda na ang mga bakunang ito ay parehong ligtas at Epektibo, ayon kay Professor Collignon.

Myth no. 4: Dahil umano sa 60 to 70 percent lang ang efficacy ng Oxford/AstraZeneca vaccine, hindi daw tayo nito kayang protektahan laban sa virus

Ang Oxford/AstraZeneca vaccine ay nakatakdang maging batayan ng pagsisimula ng pagbabakuna sa Australia.

Sa ilalim ng kasunduan ng produksyon, pinapayagan ang CSL na lokal na makagawa ng 50 milyong dosis.

Habang ipinapakita ng paunang datos mula sa Pfizer/BioNTech ang 95 percent efficacy, ang Oxford/AstraZeneca vaccine naman ay kasalukuyang nasa 60 - 70 percent.

Ngunit sinabi ni Propesor Collignon na habang maaaring hindi mapigilan ng bakuna ng AstraZeneca ang lahat ng mga impeksyon, mabisa naman itong pananggalang ng mga tao para huwag magkasakit ng malubha at mas madali din ang pag-iimbak at transportasyon nito.

"The AstraZeneca vaccine is not as good at preventing all disease as the Pfizer vaccine, for instance, but it seems to be very good at stopping people from dying and getting severe disease. And you've got to remember that's what we're most worried about - people dying from this infection. So it's probably much better than 60 per cent - probably 80 or 90 per cent - at stopping people from dying. And we've got to remember, the Pfizer vaccine has got to be stored at minus 70, it can't be stored in an ordinary refrigerator for any period of time. So, in practise, when you look at the practicalities of rolling it out, the AstraZeneca vaccine may end up being as efficacious in the real world as the Pfizer vaccine because of cold chain issues," pahayag ni Propesor Collignon.

Myth no. 5: Hindi na raw kakailanganin ang bakuna kung ikaw ay nagkaroon na ng COVID-19

Ang paniniwalang ito ay hindi ganap na mali - sa isang punto.

Totoo na kung nagkaroon ka na ng COVID-19 infection at gumaling ka, nakakabuo ang iyong immune system ng mga antibodies na kailangan para maprotektahan ka mula sa impeksyon sa hinaharap. Ito ang parehong antibodies na makukuha sa bakuna.

Ngunit hindi pa rin natin alam kung gaano katagal ang mga antibodies na iyon at makakatulong ang bakuna na mapatagal ang proteksyong iyon.

"If you're sure you have had COVID - because you've had a positive PCR test - then maybe you don't need the vaccine or you don't need to be in the front row or the front of the line, but so far there's no evidence of any harm from being revaccinated, and in theory it could give an added protection that could last for longer, particularly if you need booster shots every few years," pagbibigay-diin ni Collignon.

Myth no. 6: Ang vaccine ay makakaapekto sa kakayahan ng mga babae na mabuntis

Walang katibayan na anumang coronavirus vaccine na ginagamit o dine-develop ay makakaapekto sa iyong fertility o kakayahang mabuntis.

Ang maling akala na ito ay malamang na nag-ugat sa katotothanan na karamihan ng mga bansa ay hindi inirerekomenda sa mga kababaihan na magpa bakuna habang sila’y buntis, pero ito’y dahil lamang sa hindi pa nate-test ang mga bakuna sa mga buntis.

Hindi naman ito kakaiba dahil karamihan ng vaccine trials sa buong kasaysayan ay hindi kasama ang mga buntis.

Ani Propesor Collignon sa mga darating na buwan at taon, magkakaroon ng datos tungkol sa fertility, ngunit hindi siya umaasa sa anumang nakakagulat na mga resulta.

"I don't see any reason why the vaccines would hurt your ability to become pregnant in the future. In fact, I would think the disease itself - COVID - would make that more likely if you get very sick and you have low oxygen levels and kidney problems ecetera."

BASAHIN DIN/PAKINGGAN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga haka-haka at maling paniniwala tungkol sa bakuna kontra COVID-19 | SBS Filipino