COVID vaccine certificates makukuha pagkatapos mabakunahan gamit ang smartphone apps

The federal government says its ready for the coronavirus vaccine rollout

Health workers conduct coronavirus testing at a Covid-19 facility at Bondi Beach in Sydney, Sunday, February 7, 2021. Source: AAP

Inanusyo ng Federal Government na bibigyan ng certificate ang mga magpapabakuna bilang katunayan sakaling kailanganin sa pagbyahe o pagpasok sa trabaho.


Ilang linggo bago simulan ang Covid-19 vaccine rollout, pinaplantsa na ng Federal government ang mga paraan para matukoy ang mga tumanggap for bakuna.

Ayon kay Government Services Minister Stuart Robert ang magpapturok ng vaccine ay makakakuha ng digital or paper certificate sakaling kailanganin sa kanilang trabaho o pagbyahe.

Inaprubahan na ng Therapeutic Goods Administration ang Pfizer vaccine at inaasahang maglalabas ng desisyon tungkol sa AstraZeneca vaccine ngayong buwan.

150million doses ng mag kakaibang vaccine ang binili ng Australia at ayon sa pinuno ng TGA, John Skeritt marami pang kumpanya ang maaring maglabas ng vaccines.

Ang mga hotel quarantine workers, frontline staff at border officials ang unang makakatanggap ng bakuna kasabay ng mga matatanda at mga taong madaling mahawaan ng sakit.

Umaasa ang pamahalaan na mababakunahan ang lahat ng Australians sa Oktubre.

ALSO READ/LISTEN TO

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
COVID vaccine certificates makukuha pagkatapos mabakunahan gamit ang smartphone apps | SBS Filipino