Dahil aprubado na ang Pfizer/BioNTech vaccine, sisimulan na ng Australia ang vaccination ngayong Pebrero.
Pero hindi ibig sabihin ay pwede kang basta pupunta sa doktor at magpaturok.
Ang pagpapabakuna ay mayroong limang bahagi
Ang unang grupo na bibigyan ay mga nagtatrabaho sa borders at quarantine,
aged and disability care staff and residents, at mga priority frontline healthcare workers.
Kasunod naman na babakunahan ang mga matatandang may edad 70 pataas, iba pang healthcare workers, Aboriginal and Torres Strait Islander peoplena edad 55 pataas,
mga taong may underlying medical conditions or may kapansanan at mga nasa critical, high-risk workers tulad ng emergency services.
Ang ikatlong grupo na makakatanggap ng vaccine ay mga nasa edad 50 to 69, lahat ng Aboriginal and Torres Strait Islander adults, at iba pang critical, high-risk workers.
Sa ikaapat na bahagi babakunahan ang mas nakakaraming tao na nasa hustong gulang.
Pinakahuli namang bibigyan ang mga bata na edad 16 pababa, kung pahihintulutan ay bibigyan ng rekomendasyon.
Saan ka pwedeng magpabakuna?
Nakadepende ito kung kailan magsisimula ang vaccination.
Ang mga nasa una at ikalawang priority group ay babakunahan sa mga hospital sa buong Australia.
Ang mga nakatira at nagtatrabaho sa residential aged care and disability care facilities ay tatanggap ng bakuna sa kanilang pasilidad.
Pagkatapos nito, ibabahagi na ang vaccine sa buong komunidad at magdadagdag ng nasa 1,000 lugar para sa pagbabakuna.
Kabilang dito ang mga local GP, respiratory clinics, dedicated vaccination clinics, community pharmacies at Aboriginal health services.
Pag-apruba ng TGA
Ang planong ito ay nakadepende sa Therapeutic Goods Administration (TGA) na nag-aapruba sa mga napiling vaccine ng Australia.
Unang pinayagan ang Pfizer/BioNTech noong January 25 makalipas ang halos dalawang buwan nang aprubahan ito sa US at UK.
Gagamit din ang Australia ng Oxford/AstraZeneca at Novavax vaccines, pero inaabangan pa kung maaprubahan ang mga ito.
Bakit natatagalan ang pag-apruba ng mga bakuna sa Australia kaysa ibang bansa?
Ayon sa Burnet Institute epidemiologist Professor Mike Toole, may sapat na oras ang Australia para masusing pag-aralan ang mga vaccine bago ito aprubahan dahil sa mababang bilang ng mga kaso sa bansa.
Nagbigay na rin ng provisional determination ang TGA sa Oxford/AstraZeneca, tulad ng kanilang ginawa bago aprubahan ang Pfizer/BioNTech vaccine.
Ang provisional determination ang unang hakbang sa approval process, pero hindi nangangahulugan na tuluyang makakalusot at papayagang gamitin ang vaccine.
Ayon sa TGA, kanilang binabantayan ang kaligtasan at bisa ng mga bakuna na nauna nang ipamahagi sa ibang bansa.