Dose-dosenang mga tour operators sa North Queensland ang nanawagan kay Prime Turnbull na gawan na ng paraan ang mga kasiraang idinudulot ng tao sa The Great Barier Reef; Isang Orchard sa Gatton ang iniimbistigahan ngayon ng Fair Work Ombudsman dahil sa mga si magandang kondisyon na ibinibigay nito sa kanyang mga empleyado; Dalawang taong gulang na batang lalaki ang binawian ng buhay sa ospital dahil sa pagkapasong natamo ng halos kabuuan ng katawan nito sa pagkasunog ng kanilang bahay; Malugod na tinatanggap ng pamahalaang Queensland ang panukala ng pribadong kompanya na magpatayo ng bagong Entertainment Precinct sa Brisbane - ang Brisbane Live - na may halagang $2Billion dollars.



