Sa kasalukuyan, ang mga tinedyer na edad 16 pataas ay maaaring makatanggap ng Pfizer vaccine, at inaasahan na malapit nang aprubahan ng Therapeutic Goods Administration ang paggamit ng bakuna para sa mga bata na 12-15 taong gulang.
Highlight
- Sa pagkalat ng bago at lubos na nakakahawang Delta variant sa iba’t ibang parte ng mundo, marami ang natatakot na mas maraming bata ang mahawahan ng COVID-19.
- Marami ang nagsusulong na simulan na ang pagbabakuna sa mga bata na 16 pababa ang edad.
- Mainit na pinatatalunan ang pagsasara ng mga eskwelahan sa pangamba na magkaroon ito ng masamang epekt sa pag-aaral ng mga bata at kalusugan ng isip ng mga ito.