Wala nang isang buwan bago ang 2016 Census kung kaya dinadagdagan ng Australian Bureau of Statistics (ABS) ang mga pagsisikap upang i-promote o itaguyod ang pagbibilang sa loob ng mga multi-kultural na komunidad. Larawan: Mga Indyan Australyano nagdiwang ng Australia Day (AAP)
Ang Bureau ay nagsasagawa ng mga sesyon ng pagbibigay-impormasyon para sa ilang grupo ng wika -- upang matiyak na makakakuha ito ng eksaktong larawan o snapshot ng daan-daang nasyunalidad na nasa ating populasyon.
Share


