Chef, nabiktima ng scam, unang sahod tinangay ng babaeng ka-chat

Romance scam

Australians are being warned to protect themselves against romance scams. Credit: Getty / Tero Vesalainen/Getty Images

Nang lumipat si Eman Recio sa Australia upang magsimula ng bagong buhay bilang chef, dala niya ang malalaking pangarap, isang magandang karera, panibagong simula, at ang pag-asa na makahanap ng pag-ibig. Ngunit ang inakala niyang simpleng kilig sa isang dating app ay nauwi sa bigong pag-ibig at nalimas na bulsa.


KEY POINTS
  • Habang tumatagal ang kanilang pag-uusap online, ipinakilala ng babae kay Eman ang isang umano'y platform para sa pamumuhunan sa cryptocurrency. Ipinakita sa kanya ang mga pekeng kita at hinikayat siyang magdagdag pa ng puhunan. Matapos magpadala ng 500 AUD (ang kanyang unang sahod sa Australia) ay na-block si Eman, at tuluyan nang naglaho ang babae.
  • Ayon sa Scamwatch Australia, mahigit $23.5 milyon ang nawala sa mga biktima ng romance scam sa loob lamang ng isang taon. Ginagamit ng mga scammer ang emosyonal na manipulasyon upang mahikayat ang mga tao na mamuhunan sa mga pekeng cryptocurrency platform. Ito ay nagsisimula sa maliit na halaga bago sila pilitin na maglabas ng mas malaking pera.
  • Ayon sa psychologist na si Dr. Donn Tantengco, hindi lamang pampinansyal ang epekto nito sa mga nabiktima, kundi naaapektuhan din ang kanilang pang-emosyonal na kalusugan.

Kung kayo ay nabiktima ng scam o anumang uri ng pang gagantso online, telepono o email, maari itong ireport sa ACCC o Australian Competition and Consumer Commission o tumawag sa Australian Cyber Security Hotline 1300 292 371
 para kanilang maimbestigahan kahit pa mula sa ibang bansa ang scammer.

Mainam din na ireport ito sa mga pulis at ipagbigay alam sa inyong mga bangko.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Chef, nabiktima ng scam, unang sahod tinangay ng babaeng ka-chat | SBS Filipino