Key Points
- Ayon sa Scamwatch Australia, umabot sa $318.8 milyon ang naitalang pagkalugi sa iba't ibang uri ng scam noong 2024. Ang mga nakatatandang may edad 65 pataas ang may pinakamalaking halaga na nawala, na umabot sa $99.6 milyon.
- Paliwanag ni James Roberts, mula sa Group Fraud ng CommBank, sa kanilang research isa lang sa apat na senior ang kumpyansa na matukoy kung scam ang isang transaksyon.
- Karaniwang modus ng mga scammers ang pagpapanggap bilang opisyal o representative ng isang kumpanya o bilang kawani ng gobyerno.
Madalas ka bang makatanggap ng text o tawag mula sa mga numero na hindi mo kilala?
O kaya naman ay mga email na may pagbabanta na nanghihikayat na pumunta sa isang link o website para sa mahahalagang pinansyal na transaksyon?
Bago mo yan pindutin, huminga munang malalim at mag-isip isip, dahil baka di mo namamalayan, nahuhulog ka na sa isang scam.
Kung kayo ay nabiktima ng scam o anumang uri ng pang gagantso online, telepono o email, maari itong ireport sa ACCC o Australian Competition and Consumer Commission o tumawag sa Australian Cyber Security Hotline 1300 292 371 para kanilang maimbestigahan kahit pa mula sa ibang bansa ang scammer.
Mainam din na ireport ito sa mga pulis at ipagbigay alam sa inyong mga bangko.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.