Ang pangalang Yuxin Lin ay isang pangalan na hindi laman ng bibig ng nakararami sa ngayon ngunit ang labing pitong taong gulang ay binasag ang hadlang at nanalo ng titulo na Asia Pacific Amateur sa New Zealand noong nakaraang buwan.
At ang tagumpay na ito ay nagbukas ng malalaking pinto sa golf.
Ang pagiging awtomatikong bahagi ng susunod na taong 'British Open' at 'US Masters' ay inilagay ang kanyang pangalan sa radar ng mga tagahanga ng golf sa buong mundo partikular na sa bansang kanyang pinanggalingan.
Ang kanyang layunin ay maging pinakaunang lalake sa Tsina na pararangalan ng malaking titulo sa golf.
Share





