Sa kabila ng pamumuhay sa ibang bansa, maraming mga Pilipino ang kumonekta sa kanilang mga kapwa kababayan at ang Pasko ay isang pagdiriwang na maaari tayong muling maka-ugnay sa ating pinagmulan. "Yung identity ng isang tao, hindi po iyon isang bagay na puwedeng palitan dahil lumipat ka ng lugar. 'Yun po ay dala-dala natin mula noong maliit tayo, kinalakihan natin, nando'n yung mga natutunan natin", ani Consul General in the Philippine Embassy sa Canberra, Aian Caringal, at dagdag niya na "minsan 'yung mga simpleng kasiyahan nandun sa memories nung bata tayo, kaya mahalaga yung pagkakaroon ng link doon sa bansa natin dati o kaya sa pagkatao natin kahit nasa ibang bansa na tayo pero nagkakaroon tayo ng mga selebrasyon para, pwede nga masabi na maipagyabang, ma-celebrate yung Filipino style natin ng pag-celebrate ng Christmas, yung pagsasama-sama natin bilang isang community."
Inaantabayanan ng bagong itinalagang Consul General na ipagdiwang ang kanyang unang Pasko sa Australia habang ibinahagi niya ang mga detalye ng ika-16 na taunang Pasko sa Canberra, na kung saan ay magkakaroon ng kabuuang 38 na stall - kabilang ang 19 na mga stall ng pagkaing Pilipino.
Sa pangunguna ng Filipino Community Council of ACT (FCCACT), ang Pasko sa Canberra sa taong ito, kasama ang karaniwang mga awiting pam-Pasko, ay magtatampok ng kompetisyon ng paggawa ng mga parol. "A Parol or Christmas Lantern brings memories of the joy and generosity growing up in the Philippines".

Parol-making contest at the Pasko sa Canberra 2019 Source: Filipino Community Council of ACT
ALSO READ
Pasko sa Canberra