Coach Pat Puzon: Becoming a Great Coach

Coach Patricia Puzon

Coach Patricia Puzon Source: MAC's CrankIt Foundation Facebook page

“When you dream, be realistic. If you fail, learn how to stand up. You only have yourself to blame. Discipline, respect, inspire.”


Si Coach Patricia Puzon o 'Coach Pat' ay kinakatawan ang isang magandang mandirigma na niyayakap ang kanyang pagkatalo sa paraang positibo, nababago ang kanyang sugat sa isang bagay na nakapagbibigay-inspirasyon at nahahanap ang kung ano ang totoo sa kanyang sarili - ang kanyang pinapahalagahang pag-uugali na nagsisilbing gabay niya sa kanyang bawat laban.

Ang nagsulat ng aklat na 'Becoming a Great Coach', at direktor, 'founder' at 'head coach' ng MAC’s CrankIt Tennis Academy (MCTA) ng Australya, ay tinutulungan at pinagsasanay ang mga bata at magagaling na atleta ng tennis sa Pilipinas at Australya - kung saan ang iba niyang estudyante ay naging mga 'coach' na rin.

Bilang isa na may malalim na kaalaman sa palakasang ito, nagbigay siya ng pagpapahalaga sa tunay na pagmamahal ng isang 'coach' sa kanyang ginagawa, na kayang lagpasan ang paglalayong makakuha lamang ng materyal na kapalit; para sa kanya, ito ang tunay na nakapagbibigay-inspirasyon.

Ngunit kung nasaan si Coach Pat ngayon ay dahil din sa kanyang tapang na magsimulang muli.
Coach Patricia Puzon and her students
Coach Patricia Puzon with her colleagues and students (MAC's CrankIt FB page) Source: Facebook
Noong panahon ng kanyang kabataan, pinangarap ni Coach Pat ang makapaglaro sa Wimbledon. Sa pagdating niya sa Australya, ang kanyang pagsasanay ay naging napakahirap, dahil siya ay higit na nagtrabaho ng husto kaysa iba.

“At the same time, it was self-inflicted, because I wanted it that bad. That I really wanted to represent - I wanted to play for the Wimbledon. My drive to be on top amongst my age group was there,” nagsabi si Coach Pat sa SBS Filipino.

Ngunit sa edad na labing-anim, nagsabi ang isang 'coach' sa kanya, "You know what you can’t make it for the Australian team, you can’t make it for whatever because you don’t have it.” Ang mga salitang ito ay sinaktan ang puso at sinira ang kanyang mga pangarap: siya ay tumigil sa paglalaro ng tennis simula ng panahon na iyon.
Coach Patricia Puzon
Coach Patricia Puzon (MAC's CrankIt FB page) Source: Facebook


Ngunit kung hindi dahil dito, hindi matatagpuan ni Coach Pat ang kanyang panibagong dahilan sa palakasang ito.

“It came to a point when I said to myself, ‘Okay, tennis is not there, I will find another way, another dream.’ It doesn’t mean you have to play at Wimbledon.”

“You can always train someone to play at Wimbledon. You can always foresee yourself train athletes to become coaches and your coaches become the coaches of athletes to go to Wimbledon,” pagbabahagi ni Coach Pat.
Coach Patricia Puzon
Coach Pat Puzon with her students (MAC's CrankIt FB page) Source: Facebook


At tunay nga na ang manunulat na ito at isang dating 'welfare officer' ay nahanap ang daan pabalik sa 'tennis' sa pamamagitan ng pagiging isang 'coach'. Siya ay nagsasagawa rin ng 'tennis clinics' at mga komperensya, at nakikipagtrabaho sa isang pandaigdigang grupo para maghatid ng edukasyon at pagsasanay sa mga atleta ng tennis sa Pilipinas.

Sa gitna ng mga tagumpay niya, nanatili siyang mapagkumbaba at nagpapasalamat sa kanyang komunidad partikular sa kanyang mga estudyante.

“They made me very proud today and the mere fact that they are now standing as my colleague, looking at them years ago, they were my student and they’re going to be a better coach than I am. They’re going to continue what we have started,” pahayag ni Coach Pat.

 

Pakinggan ang kabuuang panayam.




Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand