Naging guro ng buhay ang tennis para kina Coach Joshua Irudayaraj, Coach Arden Asilo, Coach Geoff Asilo at Coach Antonio Pereda. Sa gitna ng proseso ng kanilang pagkatuto ng tennis, hinulma nito ang kanilang pag-uugali, personal na mga pangarap at nais na mapagtagumpayan.
“The way I look at it now, it’s either you win or you learn – there’s no word as losing because you don’t really lose,” pagbabahagi ni Coach Joshua habang inaalala ang mga sandal ng kanyang pagkatalo sa paglalaro ng tennis.

(L-R) Coach Joshua, Coach Geoff and Coach Antonio (MAC's CrankIt Foundation FB page) Source: Facebook
Ang pananaw ni Coach Joshua sa pagkatalo bilang daan para matuto ay tinuruan siyang maging realistiko sa buhay. Kung ngayon ay pinagtatrabahuhan niyang mabuti na maging isang propesyunal na manlalaro ng tennis, alam din niyang mayroon siya dapat na susunod na plano kung hindi man ito mangyari –at para sa kanya, ito ay edukasyon.
“Balance tennis with school life, with your education. Don’t let tennis take over. Because if tennis fails, you have an education to back up on, at least,” pahayag ni Coach Joshua.
Ang edukasyon ay labis na pinahahalagahan ng kanilang grupo. Ang mga batang ‘coach’ na ito ay mahuhusay din sa kanilang pag-aaral.

MCTA's tennis players with Coach Pat, providing food and help to less-fortunate kids in the Philippines. (MAC's CrankIt Foundation website) Source: MCTA website
Si Coach Arden ay patungo na sa susunod na bahagi ng kanyang buhay, ang pagiging isang mag-aaral sa unibersidad. Siya ay kumuha ng kursong, ‘Exercise and Sports Science’.
Sa kanyang bagong paglalakbay na ito, pinlano ni Coach Arden na magbigay-tuon muna sa kanyang pag-aaral. Ngunit ang tennis ay naririyan pa rin bilang instrumentong magagamit para maging malusog at handa sa pangmental na aspeto.
Ang isport na ito ay laging magiging espesyal para sa kanya: “It is a big part of my life. It made me the person that I am today because I’ve learned lessons not only in tennis but also in life. Tennis can teach you morals and values that you can apply in life.”
Ang kanyang nakababatang kapatid na si Coach Geoff ay naiisip naman ngayong maging propesyunal na ‘coach’ ng tennis sa hinaharap: “I see myself as a professional coach travelling around places, helping sponsored players and just being there for the kids.”
Ang atletang ito na inaming siya ay emosyonal sa paglalaro ay nasisiyahang makipagtunggalian sa isang manlalaro na isponsor ng MCTA, na si Johndy Velez. Sa kanyang koneksyon sa mga batang manlalaro ng tennis sa Pilipinas, ibinahagi niya ang payo na ito para sa kanila: “Learn from the experience of training yourself and [have] self-discipline.”
Si Coach Antonio, sa kanyang pagbisita sa Pilipinas, ay nasaksihan ang paghihirap ng mga manlalaro doon sa isport na ito. Nagdala ito ng positibong pakiramdam sa kanya: “It’s a nice feeling that people who wants it really go for it.”

Tennis Camp of MCTA (MAC's CrankIt FB page) Source: Facebook
Ngunit kahit na ba ang pagiging mapagkumpetensiya at pagtatrabaho ng maigi ay mahalaga, kanya pa ring hinikayat ang lahat na magsaya at matuwa sa paglalaro ng isport na ito.
“Part of being competitive is also having fun as well. There’s balance between [that],” pagbabahagi ni Coach Antonio.
Isang araw, ang mga kabataang manlalarong ito ay mas makakalikha pa ng higit na pagbabago sa mundo; kapag nangyari ito sa hinaharap, nais nilang maalala ang sarili ngayon na may disiplina at paggalang sa ibang tao, sapat na para makatulong at makapagbigay-inspirasyon sa marami, partikular sa mga mahihirap na komunidad.

(L-R) Coach Joshua, Coach Geoff and Coach Arden (MAC's CrankIt FB page) Source: Facebook
‘Discipline + Respect = Inspiration’ ay malayo ang mararating.
Pakinggan ang buong panayam
BASAHIN/ PAKINGGAN DIN:

Nang ang tennis ay naging higit pa sa pagiging isport para sa mga kabataang atletang ito