“I live and breathe tennis. I love it. It taught me so many things. It has given me the best memories and I cherish every moment that I have on court,” pahayag ni Crystal sa SBS Filipino.
Nagsimula siya sa paglalaro sa isport na ito sa edad na siyam na taong gulang, at nakakuha ng inspirasyon mula sa kanyang mga kapatid na tagahanga ng isport na ito – na pinapanuod nila sa telebisyon at nilalaro bilang libangan.
Bilang isang bata, naging interesado siya dito. Kaya kinuha niya ang raketa, at dinala siya ng kanyang kapatid sa ‘tennis club’ para simulan ang kanyang pagsasanay.
Ang magandang dalagang ito ay nanalo na sa mga torneo simula noon at isa sa tumatak sa kanya ay ang pagkapanalo niya ng 'Australian Grasscourt Championship' na ginanap sa Adelaide, South Australia.
“It was a good tournament overall, actually. I went there with the intention of playing the best tennis that I could, just focusing round by round,” pagbabahagi ni Crystal.
Ang batang ito na galing Perth, ay nakikita rin ang kanyang sarili sa manlalaro ng tennis mula Poland, Agnieszka Radwanska. Kanyang tinukoy ang kanilang pagkakatulad sa taas at lakas ng pagtama ng bola.
“So the reason being, she’s quite small and she doesn’t hit the ball very hard – something I can relate to. But she wins through heart, she wins through speed, accuracy and that’s something I can really look up to.”
Sa paglalaro ng isport na ito sa loob ng walong taon, hindi pa nakaranas si Crystal ng masamang kaganapan na may koneksyon sa kanyang pagiging babae sa palakasang ito. Ang kanyang naranasan ay tulad din sa ibang atleta sa kahit na anong kasarian – ang pagkakaroon ng ‘injury’.
Habang kilala ang mga kababaihan bilang emosyonal, hindi ganito ang sitwasyon para kay Crystal partikular sa kanyang paglaro ng tennis: “I’m not a very big and strong player. I have to win through outsmarting my opponent. So being mentally strong and calm is so important to me when I play tennis.”
Ang pangarap ni Crystal ay maging isang propesyunal na manlalaro ng tennis. Plano niya ring magtungo sa Estados Unidos para mag-aral ng ‘double degree’ sa ‘Sports Psychology’ at ‘Physiotherapy’.
Marami siyang natutunan sa paglaro ng tennis at kanyang iniwan ang mga salitang ito: “Never give up. I think it’s definitely important. It’s never over until it’s over. Just believe in yourself.”
Sinabi niya rin na matapos ang kanynag ‘injury’, tinuruan siya nitong pahalagahan ang bawat sandali niya sa ‘court’ dahil para sa kanya, ‘tennis is the best sport in the world.’
Pakinggan ang kabuuang panayam.
BASAHIN/ PAKINGGAN DIN:

Nang ang tennis ay naging higit pa sa pagiging isport para sa mga kabataang atletang ito