Ang G-7 summit sa Cornwall ay sumubok sa pagtutol ng Australia sa net-zero carbon emissions pagsapit ng taong 2050.
Highlight
- Nakabalik na ng Australia si Prime Minister Scott Morrison matapos dumalo sa G-7 summit sa Cornwall.
- Climate change ang pangunahin sa pinag-usapan sa summit. Pero lalo namang naging hati ang mga pulitiko sa Australia kaugnay ng isyu.
- Ang G-7 summit sa Cornwall ay sumubok sa pagtanggi ng Australia sanet-zero carbon emissions pagsapit ng 2050.
Maaaring medyo lumambot sa kanyang paninidigan si Scott Morrison kasama ng iba pang mga lider ng mundo na nangako na ititigil ang power stations na gumagamit ng coal.
Ngunit ang mga development na nangyari sa Europa ay tila humati naman sa mga lider sa Australia, bago pa makauwi ang Punong Ministro mula sa biyahe.