Key Points
- Kasama sa listahan ang labing isang miyembro ng Alyansa ng Pagbabago ng Marcos Administration.
- May mga nag-file ng kandidatura na ka-alyado ni dating pangulong R Duterte at dating Vice President L Robredo.
- Sa 183 nag file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) mayroong 117 napabilang na nuisance candidate.
Sa ibang balita, Nasa tatlumpu’t apat (34) na barko ng People's Liberation Army-Navy at Chinese Coast Guard ang namataan sa Ayungin Shoal, Sabina, at Bajo De Masinloc sa West Philippine Sea.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines o AFP, ang patuloy na iligal na presensya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea ay tahasang pagbabalewala sa 2016 Arbitral Tribunal ruling at malinaw na paglabag sa sovereign rights ng Pilipinas.
Dahil dito, nanindigan ang AFP na dapat ipagpatuloy ang modernisasyon ng kanilang defense and security capabilities.
Samantala, nagpapatuloy ang Kamandag 08 Marine Exercise sa Pilipinas na pinangungunahan ng elite troops ng Philippine Marines at US Marines.
Kasama sa pagsasanay ang marines mula sa Australia, US, Japan, South Korea at United Kingdom
Observers naman ang marines ng France, Thailand, at Indonesia
Tatagal ito hanggang sa ika-25 ng Oktubre sa Cavite, Ilocos at Palawan.
Sa karagdagang balita, binigyan ng pardon ng United Arab Emirates o UAE ang 143 Pilipinong nahaharap sa iba’t ibang kaso duon