Highlights
- Bahagi ng pagdiriwang ng Freedom Day Festival ang parada ng iba't ibang makulay na tradisyunal na kasuotan ng Pilipinas.
- Binida din ang kulturang Pinoy sa pamamagitan ng sayaw at pagkanta ng mga lokal na mang-aawit.
- Dumalo sa Freedom Day Festival ang mga lider ng komunidad ng Filipino sa Victoria, mga kinatawan ng Brimbank City at ang Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne.
Isa sa naparangalan ng Leadership Award sa ginanap na Freedom Day Festival si Ness Gavanzo, na kilala bilang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga migrante sa Australia at aktibong nakikipaglaban para mawakasan ang diskriminasyon at pang-aabuso sa mga kababaihan.
Pakinggan ang audio:


Ilan pa sa mga kinilala ng FILCCA Awards 2021 ay sina Marlon de Leon na nakatanggap ng Filipino-Australian Achievement Award, Manuel Asuncion bilang Australian of the Year Runner-up, Enya McKernan para sa Youth Award, Gloria Moscosa para sa Leadership Award and FEGTA para sa Community Organisation.






