Isa sa pinakamahihirap na desisyon para sa mga magulang ay ang pagpili kung aling uri ng serbisyong pangangalaga ang pinaka-angkop sa pangangailangan ng pamilya. Sa Usapang Parental, tinalakay natin ang pagpili sa pagitan ng long day care (centre-based) at family day care sa tulong ng early childhood educator na si Lori Inumerable.
KEY POINTS
- Ang long day care at family day care, bagaman may magkaibang istraktura, ay may parehong gabay pagdating sa regulasyon sa ilalim ng National Quality Framework.
- Karamihan sa mga pasilidad ng centre-based care ay kasali na ang mga pagkain, samantalang sa family day care, may ilang kasali na ang pagkain at mayroon ding iba na hindi.
- Sa aspeto ng bayarin, maaaring mas mahal ang center-based kumpara sa family day care. Tungkol naman sa ratio ng mga bata, ang long day care ay kinokontrol sa buong serbisyo, habang ang family day care ay may ratio na 1 sa 4 para sa bawat tagapag-alaga.
Share




