Ang mga travel agent na nag-oorganisa ng mga paglalakbay sa Gitnang Silangan ay kabilang sa mga nag-aalala tungkol sa bagong mga patakaran sa visa na ipinakilala sa Estados Unidos kasunod ng mga pag-atake sa Paris. Larawan: Ang Electronic System for Travel Authorization website ng Kagawaran ng Homeland Security ng Estados Unidos (AAP)
Ipinagbabawal sa mga batas na ito para sa ilang mga tao na pumasok sa Estados Unidos gamit ang tinatawag na electronic travel authorisation sa ilalim ng Programa ng tinatawag na Visa Waiver.
Kabilang sa mga apektado ay ang mga biyaherong bumisita sa Iran, Iraq, Sudan o Syria simula nang magbigay daan sa mga kaguluhan sa Syria noong Marso ng taong 2011 ang demokratikong mga pag-aalsa na nagsimula sa Tunisia at mabilis na kumalat sa ibang mga Arabong bansa.




