Ang malakas na pagsabog sa Beirut na ikanasawi ng 135 katao ang nagdudulot ngayon ng pangamba sa mga residenteng nakatira sa paligid ng isang pasilidad na pinag iimbakan ng ammonium nitrate sa Newcastle.
Nasa 6,000 to 12,000 tonnelada ng kemikal ang nasa Kooragang Island plant ng mining company na Orica. mas madami ito ng apat na beses kumpara sa nakaimbak sa port facility sa Lebanon.
Tatlong kilometro lamang ang layo ng planta sa Newcastle CBD o sentro habang 800 metro lang ang layo sa bahay ng ilang residente
Ayon sa Chemical engineer at community campaigner na si Keith Craig, malaki ang magiging pinsala nito sakaling magkaroon ng pagsabog.
Panawagan ng mga residente ng Newcastle na bawasan stockpile level o di kaya ay tuluyan nang ilipat ang planta.
Iginiit naman ng Mining company na Orica na ang kanilang operasyon sa Kooragang Island ay alinsunod sa regulasyon ng mga awtoridad. Sa isang pahayag sinabi ng kumpanya na sumusunod nila ang Risk Assessment criteria ng New South Wales government.
Dahil sa pag-iingat na ito, naniniwala si Dr Gabriel Da Silva, Senior lecturer ng Chemical Engineering sa University of Melbourne, naniniwala syang mababa ang panganib o kapahamakang dulot nito sa komunidad ng Newcastle.


