Inamin ni Jamie Ilagan na bagama’t hindi musically inclined ang kanilang mga magulang, suportado naman sila ng pamilya na matutong tumugtog ng piano na naging daan para makilala siya ngayon bilang DJ na si 'Dr. J' sa SBS PopAsia at Vivid Sydney.
Key Points
- Si Jamie Ilagan ay ipinanganak sa Australia at kasalukuyang nagtatrabaho sa SBS Australia bilang AI Content Project Specialist at ALC Digital Content and Production Trainer.
- Mula 2012, kilala siyang Dr. J sa SBS Pop Asia at apat na taon ng sunod-sunod na inimbitahan para maging DJ sa Vivid Sydney.
- Ang Vivid Sydney ay taunang festival sa Sydney na may makukulay na ilaw, musika, at sining na dinarayo ng mga tao sa buong mundo, kabilang ang pag-iilaw sa Sydney Opera House at Darling Harbour.
- Bilang trainer, hinihikayat niya ang mga kabataang Pinoy na maging open na matuto, magtanong, huwag matakot sumubok ng mga bagong bagay, at tanggapin ang feedback para lalo pang umunlad.
- Inamin niya na malaki ang naging ambag ng mga Filipino values na itinanim ng kanyang mga magulang sa kanyang pagkatao, na naging pundasyon ng kanyang mga narating at tagumpay sa buhay ngayon.




📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.



