Pag-ugnay sa kanyang Pilipinong pinagmulan sa pamamagitan ng Tagalog Tuesdays

Charisse Adair

Charisse Adair Source: Supplied

“To not embrace the culture and language, I think it’s really missing out on the huge opportunity to discover yourself.”


Nagtayo ng tulay na mag-uugnay sa kanya sa kanyang Pilipinong pinagmulan sa pamamagitan ng pagbisita sa Pilipinas at pag-aaral ng Tagalog, higit pang ipinakita ni Charisse Adair ang kanyang pagmamahal sa kanyang dugong Pilipino sa pamamagitan ng Tagalog Tuesdays.

Ang Tagalog Tuesdays ay isang ‘digital’ na proyektong kanyang ginawa noong 2016, na ginamit ang Facebook at YouTube upang makapaghatid ng mga nilalaman na nakatuon sa pagkaing Pilipino.

Ang interes ni Charisse sa pagkaing Pilipino ay umabot sa mga salitang Tagalog na kanyang pinakanagustuhan – ‘lumpia,’ ‘adobo,’ 'lechon' at ‘hilaw na mangga’ – ngunit kung lalayo sa paksa ng pagkain, ‘KILIG’ ang kanyang pinakapaboritong Tagalog na salita.
Charisse Adair
Charisse Adair Source: Supplied
Palaging sinusubukang mag-aral ng Tagalog ng dalawampu’t isang taong gulang na estudyanteng ito na nag-aaral ng ‘law’ at ‘media’. Sa mga panahong siya ay lumalaki (sa taong gulang), ginugol niya ang marami niyang oras sa siyudad ng Cebu kasama ang kanyang ina. Madalas siyang nanunuod ng mga programang Pilipino tulad ng ‘Pangako Sa’yo,’ ‘Game Ka Na Ba?’ at ‘Wowowee,’ na nakatulong sa kanya na maunawaan ang buod o kahulugan ng isang partikular na Pilipinong dayalogo. Sa huling bahagi ng kanyang pagiging tinedyer, patuloy niyang pinag-aralan ang Tagalog sa pamamagitan ng mga ‘online resources’ at ‘textbooks’.

“Walking the tight rope,” ito ang metapora na sa isip ni Charisse ay pinakamagandang paglalarawan sa kanyang paglalakbay sa pag-aaral ng Wikang Filipino.

“I kind of just got it by watching TV, kind of understanding the feelings that people were expressing so it is difficult, and it’s a bit wobbly sometimes but I guess if you really try hard enough, immerse yourself in the environment and practice, you should be able to do it fluently.”

Ibinahagi ni Charisse ang pinakamahalagang bagay na natutunan niya sa pag-aaral ng Wikang Filipino. Ayon sa kanya, hindi ito ganoon kadali na matututunan lamang sa libro.
“You really have to embrace every part of the Filipino lifestyle and culture, get to know other people, listen to other people’s stories, go try every single Filipino dish that you can, visit the country and I think you’ll get a really good understanding of what it means to be a Filipino.”
(Nota ng Patnugot: Ang Agosto ay ang ‘Buwan ng Wikang Pambansa’ sa Pilipinas at sa taong ito, ang Department of Education sa pamamagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay inilabas ang tema ng pagdiriwang na, ‘Filipino: Wika ng Saliksik’. Kinikilala ng tema ang Wikang Filipino bilang isang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.)

 

Panuorin ang mga ‘video’ ng Tagalog Tuesdays sa pamamagitan ng ‘link’ na ito; https://www.youtube.com/channel/UC0FwnudRAAORpx4Z9mEv3UA?view_as=subscriber

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand