Batang mula Western Sydney, siya na nga kaya ang susunod na malaking pangalan ng Australia sa NBA?

Basketball Australia

A report into Basketball Australia finds there are limited opportunities for black athletes in the sport Source: Basketball Australia/Hills Hornets

Sa tatlong MVP awards, 5 kampeonato ng Hills Hornets na pangunahing siyang manlalaro at napili na makasama sa Jr. NBA Global Championship sa Florida noong Hulyo, si Andrei Kyle Honrada na nga kaya ang susunod na malaking pangalan sa basketball ng Australia at maging sa NBA?


Sa taas na 5.5 feet, pangarap ng ngayo'y 14 na taong gulang na Filipino-Australyano na makarating sa National Basketball Association (NBA) at doo'y propesyonal na makapaglaro.

"My ultimate goal is to reach pro-level while do the things that get to it like doing college, and one day play at the NBA," lahad ng varsity player ng Oakhill College sa Sydney.


 

Mga highlight

  • Hindi laging nasusukat ng pisikal na katangian ang kakayahan ng bawat isa.
  • Determinasyon at walang sawang pagsasanay ang ginagawa ng batang Andrei Kyle Honrada upang mapagbuti ang paglalaro ng basketball.
  • Hangad niya na maabot ang antas ng propesyonal na paglalaro at makarating sa NBA.

Maging sa gitna ng pandemya, nakatutok pa rin sa kanyang patuloy na araw-araw na pagsasanay at paglalaro ng basketball ang bituin ng Hills Hornets sa New South Wales kung saan siya nagsimulang maglaro sa edad na 9.

"Before the pandemic, I was training everyday, individually and for the team. I was playing games every other day to focus on my basketball skills," anang point guard.
Basketball
Andrei Honrada Source: Basketball NSW
Matapos pangunahan ang Hornets na manalo sa U-14 Australian Club Championships noong nakaraang taon, ang bata mula sa kanlurang Sydney ay napiling makasama sa Asia Pacific team na dapat sana'y bahagi ng Jr. NBA Global Championship sa Florida noong nakaraang buwan.

Isa lamang siya sa dalawang manlalaro ng Hornets na pinili ng Basketball Australia na maging bahagi ng Jr. NBA team.

Bagaman nalulungkot na hindi natuloy ang kanilang pagpunta sa NBA, hindi naman siya tumitigil sa kanyang mga ginagawa upang lalo pang mapagbuti ang kanyang paglalaro.

Sa murang edad na anim, nakakitaan na ng angking galing at hilig sa basketball si Andrei. Ayon sa ama nito na si Arlan, dalawang taon pa lamang ang batang Honrada ng una itong humawak ng bola at sinimulan ang pag-dribol ng bola.
Andrei Honrada
Andrei Honrada (middle), with his dad Arlan, sisters Arianne and Audrey and mum Marianne, receives MVP award after leading Hill Hornets U12 Div 1 to win the Metro Junior League championship in 2017. Source: Jun Almario
Dagdag pa ng ama na nang pitong taong gulang pa lamang ang kanyang bunso, pinagsasabay nito ang paglalaro ng basketball at soccer at pareho siyang mahusay dito. Ngunit maraming pagkakataon na mas pinipili ng bata na maglaro ng basketball.

"Kapag nasa basketball game siya, sobrang saya at sigla niya, kaya nagdesisyon kaming mag-asawa na, sige sa basketball na lang siya mag-concentrate," lahad ng matandang Honrada.

All out ang suporta ng pamilya ni Andrei sa kanyang pagbabasketball lalo na ang kanyang ama na lagi niyang kasama sa lahat ng kanyang training at laro.

BASAHIN DIN / PAKINGGAN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand